Monday, November 3, 2008

underneath the mistletoe


haay..november na, kakatapos lng ng undas..so ano na nga ang next? syempre CHRISTMAS====> the most wonderful time of the year...hehehe..ewan ko ba kung bakit nga pag panahon ng Pasko, may kakaibang something talaga na nangyayari sa maga tao, despite of all the gastos, Christmas rush, parties and everything, feeling ko, ambabait ng mga tao pag mag pa-Pasko...ako n lng eh, nababawasan ang kamalditahan ko pag ganitong panahon...naaalala ko pag kagaling nmin sa simbahan, pagkatapos ng Misa de Gallo, lahat ng makasalubong ko sa daan, gini-greet ko ng 'Merry Christmas po!", with matching big smile, and take note, may 'po' pa ako ha..hehe...tapos, during the Noche buena, parang kakaiba din ung feeling, parang mas close kmi, although most of the time eh sabay sabay nmn kmi kumakain ng nanay saka ng sisters ko, parang iba eh...basta iba...


Pero sa kabila ng lahat ng magandang feeling na idinudulot sa 'kin ng Christmas Season, merong maliit na part (actually, malaki pla) ng puso ko na kinukurot...ouch!!! eto ung part na giniginaw pag ganitong panahon, tapos bigla kong maririnig ung 'Christmas won't be the same without you' na song...hahahaha...matinding kakornihan, pero naapektuhan tlga ko eh...ayun, mabalik tyo dun sa part ng puso ko, eto din ung dahilan kung bkit mukhang magkakaroon ako ng 3-consecutive annual membership sa S.M.C.===> Samahan ng Malalamig ang Christmas...hehe


Minsan ntatawa ako sa sarili ko, kc parang kailangan ko talagang ihabol sa Pasko ung pagbo-boyfriend..kasi ung una, Decemeber 17 ung anniv. namin, ung 2nd (ayoko na sna i-count..pero anyways...) December 21 naman, so hinde ako magatataka kung ung susunod ko eh, Decemeber 25 na mismo..haha...meron pa naman akong 1 month & 3 weeks para humabol...ewan ko ba, nakakalungkot lang kasi isipin na wala akong extrang gift na matatanggap, na ultimo ung pambalot at gift card e itatago ko pa...tapos, walang ipagbabalot ng pagkain ang nanay ko (naalala ko ung sa 1st bf ko, ning ngbreak kmi, sabi ng nanay ko 'mokong na un, pinapauwian ko pa naman sya ng embutido ska leche flan...hmp!'), hehe, astig dba..., walang pupunta sa bahay nmin para dun mag Christmas...wala akong ipapakilala sa mga tito, tita, cousins at kung kani-knino pa...,wala akong iki-kiss underneath the mistletoe...awww...ewan ko ba...at higit sa lahat, wala man lang magtetext sa kin ng saktong 12mn ng 'Merry Christmas honey, halabyu..mwah mwah'..heheh


Actually, kahit naman wala eh, magiging happy pa din ako...ska siguro ung lamig lng ng panahon ang dahilan kung bakit may extra loneliness akong napi-feel pag single kung Christmas..ska ung mga panaka-nakang pambwibwiset ng mga barkada ko na, 'malungkot na naman ang Pasko ko'..Siguro isipin ko na lng na Christmas is a time for family, a time for sharing & giving, a time to be nice and not a time for self-pity...hehehe...wish me luck..kung di man ako makahabol sa December..sa Valentine's day na lng, mas sweet un,..heheheh

anyways, Merry Christmas...sana maging happy tayong lahat kahit sa tingin naten, merong kulang...whatever ;>

No comments: