Tuesday, November 25, 2008

may puso din si kiroy...


eto na ung post na sinasabi kong mag eexplain kung bakit favorite ko din ung moving ni adam sandler na "Click"... dahil sa movie na 'to napatunayan ko na kahit masama ang isang tao, eh may puso din sya...so simulan ko na ang kwento ko ha...

ang bida sa post ko na ito ay si Kiroy, sa totong buhay, bihira ko tlga syang banggitin sa mga pang araw-araw na kwento ko, dahil na din sa iniiwasan kong maging masama, nyahahaha, bka kasi pag siya na ang topic ng kwentuhan eh puro mura lng lumabas sa bibig ko...naaalala ko pa nga nung mga unang beses na nagsasabay kmi ni Dyosa Bella mag ice cream after mag lunch, lagi na lng ung unang ex ko (korek! ex ko din si Kiroy, although minsan dinedeny ko, heheeh) ang kinukwento ko, lahat ng maganda o panget na pwede kong i share kapag isyu sa puso ang topic namin eh, laging ung unang ex ko ang bida..sabi tuloy ni Bella, 'Bakit di ka nagkekwento sa recent ex mo?"..."ah, eh..kasi..."..heehehe..ayoko talaga eh...so un, syempre, hindi din naman ubod ng sama si Kiroy, kasi in the first place, hindi ko naman sya magugustuhan kung nuno sya ng sama diba, siguro lng e masyado akong disappointed s kanya, at saka hindi na lng kasi tungkol sa past relatioship nmin ang naging dahilan ng gap namin, meron na din sa professional lives namin at sa pagkatao nmin, as a whole..so, pano ko nasabing may puso naman sya despite the ibang level of sama ng loob n binigay nya sakin? Simple lng, family, father to be exact...kami kasi ang magkasamang nanood ng "Click", at sobra syang nka relate sa movie, (bukod sa character ni Adam as an Architect), si Kiroy at c Adam as Arch't. Michael Newman ay parehong malayo ang loob sa mga tatay nila...madaming kwento si Kiroy sakin dati na..un nga, nde sila , na hindi cla kasing close ng ibang mag-tatay..etc etc.. Naalala nyo ba ung scene dun sa movie na namatay ang dad ni Adam, habang hinahabol nya si Adam? un ung scene na nagpaiyak kaya Kiroy..actually ako din nmn, kinurot ang puso ko ng eksenang un, pero nde nmn tumulo ung luha ko, muntik pa lang..pero nagulat ako nung pagtingin ko sa left side ko, e nagpupunas na sya ng luha gamit ang manggas ng t shirt nya...gusto kong i pause (gamit ang "universal remote" ni Michael Newman) ang pangyayari na un, para tumatak sa utak ko na, sa kabila ng pagiging siga-siga at macho image ni Kiroy, e malambot ang puso niya..awwww...dun ako mas naapektuhan eh, sa nkikita kong nangyayari sa katabi ko, kesa sa pinapalabas sa wide screen...ang ginawa ko, hinug ko sya...awww...syempre ico-console ko sya dba..alam kong malungkot tlga para sa kanya eh...natatakot sya, pero hinde nya alm kung pano mag re-reachout sa father nya...after nito, npag usapan nmin un...nagbigay ako ng advice (although alam kong di naman nya gagawin un, being the hard-headed person that he is..hehe), sinabi ko na may time pa para maayos un, blah blah blah...

So sa ngayon, ewan ko kung nagka ayos na sila, wala na kasi kong care eh..nyahahaha...joke lang, well, kahit nman hindi naging mganda ang ending nga kwento nmin, i still wish him well...pero not so well, unless mas well ako..hahaha, bittereness...ang gusto ko lang namang i point out is that no matter how bad a person is, meron pa din syang good side, pwedeng hindi lng nya feel ipakita sa'yo un in the way na pinapakita nya un sa ibang tao...tanggapin mo na lang, kasi aminin na natin, tayo din naman may bad at good side, at merong mga taong pinipili nateng pagpakitaan ng alinman dito... ;)

1 comment:

JAJA NOBLE said...

prng wla yta!nyahahahahahha..kerol my award ka ult skn ok?kunin m nlng..muwahhh!ahlabyu!mishu!