Friday, November 28, 2008

Cute'a Award from Dyosa Bella

second time na ito..may award n naman ako from Dyosa Bella..."Cute's Award"..nyahahahaha...so may rule daw ito, kailangang gumawa ng post ng 10 facts tungkol sa akin...so eto na:
1. favorite color ko ay green...teal green to be exact..pero ngayon, hot pink & lime green na..wala lang gusto ko lang...magandang combi eh..;)
2. i am a cat person...meeeeooowwww...heheh... i love cats, dati may alaga akong mga kuting, kaya lng mejo mabaho tlga sila eh, bawal sa bahay... ina-asthma si mother..

3. pareho kmi ni bella dito, comfort food ko ang chocolate...ska ice cream na din.. gusto ko sa chocolates ung may roasted almonds, hazelnuts or macadamia..sa ice cream, very rocky road, coffee crumble, cookies & cream...yummy!
4. obviously, mahal ko na si Adam Sandler...(magbasa ng past posts...)

5. matangkad ako, pang lalakeng height,,,,nyahahah...5'7 1/2" tlga, pero 5'7" lng sinasabi ko, bka ksi ma-intimidate ang mga boys..nyek! joke lang...
6. nung times na bading na bading pako...fave ko c Mariah, kasi gustong gusto kong sinasabayan ung "Breakdown" nya w/ Bone Thugs, khit tipong hinihingal ako pagtapos...saka ung iba pang songs nya na may kasama syang rapper..take note...kya kong kantahin both parts..hehhe

7. ayoko ng reptiles & amphibians...so sobrang ayaw ko sa knila nanaginip ako minsan ng higanteng iguana na hinahabol ako..heheh

8. hindi ako Bicolana pero mahilig din ako sa maanghang..halos nga yata laht ng niluluto ko na may sarsa e nilalagyan ko ng sambal chilli...msarap eh...

9. meron kming group ng 3 boyfriends ko, 'McDo', kc lagi kmi dun kumakaing apat nung thesis days nmin...pero may isa png tinawag sming 4 e.. "BERK'S"..ang korni dba..Benedick Erwin Raymond Kerol 'Sol (dati kc 5 pla kmi)...so un...
10. moody akong tao, dahil sa isa akong ARIAN===> gawin bang excuse?? hahah..pero ang alm ko tlga sa mga taong mahal ko, pasensyosa nmn ako, dun lng tlga sa mga hindi ko feel, kusang lumalabas ang kamalditahan ko, hindi ko tlga ma i-deny...hehe

Tuesday, November 25, 2008

may puso din si kiroy...


eto na ung post na sinasabi kong mag eexplain kung bakit favorite ko din ung moving ni adam sandler na "Click"... dahil sa movie na 'to napatunayan ko na kahit masama ang isang tao, eh may puso din sya...so simulan ko na ang kwento ko ha...

ang bida sa post ko na ito ay si Kiroy, sa totong buhay, bihira ko tlga syang banggitin sa mga pang araw-araw na kwento ko, dahil na din sa iniiwasan kong maging masama, nyahahaha, bka kasi pag siya na ang topic ng kwentuhan eh puro mura lng lumabas sa bibig ko...naaalala ko pa nga nung mga unang beses na nagsasabay kmi ni Dyosa Bella mag ice cream after mag lunch, lagi na lng ung unang ex ko (korek! ex ko din si Kiroy, although minsan dinedeny ko, heheeh) ang kinukwento ko, lahat ng maganda o panget na pwede kong i share kapag isyu sa puso ang topic namin eh, laging ung unang ex ko ang bida..sabi tuloy ni Bella, 'Bakit di ka nagkekwento sa recent ex mo?"..."ah, eh..kasi..."..heehehe..ayoko talaga eh...so un, syempre, hindi din naman ubod ng sama si Kiroy, kasi in the first place, hindi ko naman sya magugustuhan kung nuno sya ng sama diba, siguro lng e masyado akong disappointed s kanya, at saka hindi na lng kasi tungkol sa past relatioship nmin ang naging dahilan ng gap namin, meron na din sa professional lives namin at sa pagkatao nmin, as a whole..so, pano ko nasabing may puso naman sya despite the ibang level of sama ng loob n binigay nya sakin? Simple lng, family, father to be exact...kami kasi ang magkasamang nanood ng "Click", at sobra syang nka relate sa movie, (bukod sa character ni Adam as an Architect), si Kiroy at c Adam as Arch't. Michael Newman ay parehong malayo ang loob sa mga tatay nila...madaming kwento si Kiroy sakin dati na..un nga, nde sila , na hindi cla kasing close ng ibang mag-tatay..etc etc.. Naalala nyo ba ung scene dun sa movie na namatay ang dad ni Adam, habang hinahabol nya si Adam? un ung scene na nagpaiyak kaya Kiroy..actually ako din nmn, kinurot ang puso ko ng eksenang un, pero nde nmn tumulo ung luha ko, muntik pa lang..pero nagulat ako nung pagtingin ko sa left side ko, e nagpupunas na sya ng luha gamit ang manggas ng t shirt nya...gusto kong i pause (gamit ang "universal remote" ni Michael Newman) ang pangyayari na un, para tumatak sa utak ko na, sa kabila ng pagiging siga-siga at macho image ni Kiroy, e malambot ang puso niya..awwww...dun ako mas naapektuhan eh, sa nkikita kong nangyayari sa katabi ko, kesa sa pinapalabas sa wide screen...ang ginawa ko, hinug ko sya...awww...syempre ico-console ko sya dba..alam kong malungkot tlga para sa kanya eh...natatakot sya, pero hinde nya alm kung pano mag re-reachout sa father nya...after nito, npag usapan nmin un...nagbigay ako ng advice (although alam kong di naman nya gagawin un, being the hard-headed person that he is..hehe), sinabi ko na may time pa para maayos un, blah blah blah...

So sa ngayon, ewan ko kung nagka ayos na sila, wala na kasi kong care eh..nyahahaha...joke lang, well, kahit nman hindi naging mganda ang ending nga kwento nmin, i still wish him well...pero not so well, unless mas well ako..hahaha, bittereness...ang gusto ko lang namang i point out is that no matter how bad a person is, meron pa din syang good side, pwedeng hindi lng nya feel ipakita sa'yo un in the way na pinapakita nya un sa ibang tao...tanggapin mo na lang, kasi aminin na natin, tayo din naman may bad at good side, at merong mga taong pinipili nateng pagpakitaan ng alinman dito... ;)

Monday, November 24, 2008

go tams!!!!

certified iarfa tamaraw..charge!

Thursday, November 20, 2008

wala pa man din...



at ang bilis ng follow up post ko dba..kakasabi ko lng na sana yung mga susunod na post ko tungkol sa kanya eh masaya, akalain mong eto na..pero exagg lang, wala pa namang sumthing super 'happy' na nangyari...share ko lng ung ibang mga usapan namin na nakakatuwa at the same time, nakakatawa...na ayon nga kay Dyosa Bella e 'pambubugoy', pero aminin na nten, nkakakilig pa din in a way...sus!

ako: alam mo ung word na 'kismet'?
siya: KISMET??? baka KASMOT! nyahahaha
ako: kolokoy ka, meron nun no, ang ganda kya ng meaning nun..
siya: ah, teka...kismet...bastos ba un?
ako: siraulo! KISMET = fate, destiny
siya: ahhh, iba pla ung naisip ko, sori joke..heheh
ang ganda nmn ng meaning nyan...
so, ikaw na ung Kismet ko from now on...
ako: haha, ganun, eh ikaw? KASMOT...
siya: i'd luv to be ur Kasmot....

...mushy....mushy....mushy....

siya: white gold or yellow gold?
ako: platinum
siya: un nasa choices lng pwede...
ako: eh mas mahal ung platinum eh..cge, white gold
siya: ok, e bracelet o necklace?
ako: earrings
siya: bruha ka tlga!
sabagay, pwede...
earrings, bracelet or necklace?
ako: earrings
siya: ok, flower, moon, star o wala lng...
ako: heart
siya: kris aquino?
ako: hahaha..pwede...
siya: ayan, atleast may idea nko ng pangregalo sa mahal ko...
ako: sa'kin ba?
siya: oo nga...
ako: sus, dmo sinabi..teka maglilista ko....

....epal lang....

siya: lanya, anu ba tong ginawa mo sa akin?
kung pwede ko lang hatakin ang panahon
hayzzzz
ako: HUH?
siya: gusto na nga kita makasama
ako: awww, sa april nga di ba
siya: babalik pa rin ako dito di ba
so hintay ako ng another year
hayzzz , ewan ko basta ang alam ko gusto na kita makasama
kasi ako gusto kita...sigurado ako dyan
ako: un nga lang
siya: tipid ng sagot ...hmpf!
ako: e wala ko masabi eh...

......haaaaaaaayyyyyyyyyy.........

ako: osha, uwi nko ha…
siya: ok, cge..pero teka..
ako: o?
siya: ingat kang mabuti ha..kasi…
ako: ano na naman?
siya: kasi mamahalin pa kita..yebah!

.....swabeng swabe.....nyahahaha


ako: MAY KWENTO KO…
siya: ay teka lng ha..
ako: O GAME?..ASAN K N? HMP..NAWALA NA…
siya: dito nga….naghihintay sa pag ibig mo..
ako: KWENTO LNG IBIBIGAY KO NDE PAG IBIG..HEHEH
siya: hangkulet mo!!!!!

.....heheheh....

ako: PANO KUNG ME MAKILALA KNG IBA JAN BAGO MAG APRIL?
siya: ampfefe ...sa sarili mo itanong yan...
ako: SA SARILI KO?
siya: dahil ako kayang kaya ko umiwas
ako: "PNO KUNG ME MKILALANG IBA C _______ BGO MAG APRIL? HMMMM..TEKA,
DKO MASAGOT EH
siya: gusto mo ng icon? o eto ha (nag insert ng lol n smiley)
ok na?
ako: HEHEHEHEH , SARAP NG FEELING NO...MANG INIS
siya: sige sagutin ko na rin...pano kung ikaw ang may makilalang iba?
eh siyempre la naman ako magagawa di ba
kaso nga lang , siguraduhin mo lang na di ka niya lolokohin
kasi ok lang na di tayo magkatuluyan, basta makita kong ok yung napunta sayo
kasi di ba, masakit na nga na hindi ka sa akin napunta
tapos ganun pa...
ako: AWWW...ANG SWEET MO NMN...
siya: eh di doble panghihinayang di ba?
ako: CGE N NGA TYO NA... JOKE LNG....(weh!)
PERO ANG SWEET HA
siya: seryoso yan
ako: SOBRANG SELFLESS
siya: kasi nga totoo yung nararamdaman ko sayo

..........wala naman akong intensyon na bigang mag joke tym eh, pero angkulet lng kc, kailangan kong umadlib bago ako tuluyang mahumaling....nyahahahah ;>



Tuesday, November 18, 2008

last night's prayer


"Thank you po sa lahat ng blessings na binibigay nyo sa'kin, sana po wag Kayong magsasawa ha...saka pakibantayan pong mabuti ang nanay ko, si tatay, ang mga kapatid ko, pamangkin ko, tito, tita ska syempre lahat po ng friends ko...masaya po ako ngayon, sobra, kakaiba po 'to, may mga times din naman na masya ko dati, pero iba po ung ngayon, alam Nyo nmn po kung bakit di ba? thank you po sa kanya ha, kung sya man po ung binibigay nyo para sa kin, sana wala pong maging problema, ay mali mali, Kayo na po pla ang bahala, sana na lng po, kayanin ko po syang mahalin ng sobra...na magiging kmi na forever..thank you po ulit...Amen"

ung first line nyan ang naging prayer ko gabi gabi simula ng magpunta ako d2, ng t-thank you ako sa blessings, ska ngp-pray na bantayan ng mabuti ang family & friends ko sa Pinas...nung first few months ko d2, humihingi din ako ng guidance, forgiveness ska ma forgive ko n din lahat ng kinasasamaan ko ng loob...typical n prayer skin un...pero kagabi, dinagdagan ko ang prayer ko ng pagpapasalamat para sa isang taong binigay sa kin...yiheeee...actually, mejo maaga pa nga para isipin ko na ibinigay tlaga sya sakin eh, kasi as of now, we're not together...nasa magkabilang panig kmi ng mundo...pero sobrang nagpapasalamat pa din ako...siguro in few months time, malalaman namin, kung merong mapupuntahan to, pero as of now, i can say na may isang special na tao na nagpapasaya sa'kin...

sobrang eager nga syang mabasa ang blogs ko, sbi ko nmn, wag nlng kc, nde nmn masyadong interesting, heheh..ska in time, mababasa din nya...nung time n mejo nagiging close n kmi, naisipan ko n tlgang gumawa ng post about him, about us...pero nauudlot lagi eh, until today...siguro kagabi kasi nag start na inamin ko sa sarili ko na special nga sya for me...madaming instance na din na nkakausap ko din ang friends nya at pinapaamin nila ko, pero i was always in denial..or siguro, kagaya ng lagi kong sinasabi s kanya, 'ayokong umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan'...matagal tagal n din akong single eh, 2 years na din, meron namang nanliligaw khit pano, heheh..pero un, wala tlga eh..magkahalong takot at paniniguro lang siguro...tapos un nga, nung ngkaroon kmi ng chance na maging close, na actually eh mejo hesitant ako nung una...nakilala ko ung mgandang side nya, naaliw ako na kausap sya, syempre khit sa mga usapan namin, nalalaman ko ung panget at magandang ugali nya...sabihin na naten na oo, nadadala na din siguro ako sa mga pambobola nya, e ganun eh..nababawi naman un everytime may nasisingit na seryosong usapan..dun ko naiisip na, pwede, pwedeng totoo nga ung mga sinasabi nya...lalo na nung sinabi nya sakin na gusto nya akong maging girlfriend..at mapangasawa, tpos sumagot ako, na gusto ko syang makilala ng lubusan, tapos ang sinabi nya, hindi mo naman makikilala ang isang tao ng lubusan kung nanliligaw pa sya syo, kasi he will just be putting his best foot forward, makikilala mo sya talaga kung kayo na...we share a lot of things in common, pati ng ideas sa buhay, kaya siguro nag eenjoy kmi mag usap...kahapon din, tinanong nya ko ng isang preskong tanong 'do u like me na b?', na hindi ko sinagot ksai kunyari imbyerna ako, pero sa 22o lng eh, play-safe lang...tpos after few minutes, ni repharse nya 'meron bang chance na mgustuhan mo ko?'...at sumagot ako ng pliguy ligoy na ang bottom line eh 'oo'..haha..sabi ko nga, ano b yan, 'can't u read between d lines?'..pero sabi nmn nya, to nmn ang tanda na naten eh, pwede nmn sigurong direktang sagot na diba...haaayyy..ewan ko ba, minsan feeling ko din, useless tong mga ginagawa namin, kasi khit magkagustuhan pa kmi ngayon, e pno naman dba? andun sya, and2 ako...sasabihan n naman ako ni Benedick ng "carol & her imaginary boyfriend"...hahaha

basta as of now, ang drama ko eh "seize the moment"..masaya ako, period...kung san man papunta to, that, we have to find out..in time...sna ung mga susunod ko n posts na para sa kanya eh masaya din kagaya nitong una...para naman matigil na ang drama ko ala-Regine Velasquez..."malungkot ang buhay ko..."...i'm just hoping for the best, at kagaya ng sabi ko sa payer ko..."Kayo na po pla ang bahala..."... ;)

Thursday, November 13, 2008

kakaiba...


i was browsing my multiply account just now, then sa home page, may nkita kong new upload ng friend ng friend ko, 'my funeral songs vol.2'...naintriga ako, so i opened that person's page...
morbid...sobrang morbid...the person was discussing stuffs about death...meron syang mga album na compilation ng songs during a funeral...may mga facts about funeral sa iba't ibang lugar...khit ung background nung page nya nakakalungkot...i liked the idea, but not really the 'dying' part...sino ba naman ang may gustong mamatay agad dba...cguro i was just amazed by the idea of his/her account..tungkol lahat sa death eh, pero the bittersweet side of it... ung madramang part..ung parang mapi-feel mo ung lungkot at the same time peace in death...parang nabagabag lang ako...tinamaan ako ng realization na, 'oo nga naman, may serenity in dying'...pero ayoko pa din..heheh..so un, sa songs naman nya, mejo makaluma ung iba eh, ung tipikal lang...tamang maiiyak ka pag narinig mo...

pero ako kasi, iba ang iniisip kong compilation ng songs eh...compilation ng song sa kasal ko...un un eh...daydreaming...hehehe...bakit ba, basta ako, alam ko, bata pa lang ako, hindi pa ko ngkaka-crush, gusto ko na ung mga weddings...everything about it...kaya siguro ako, magpopost ako ng compilation ko ng songs...'walk-down-the-aisle' songs...tapos iba ibang genre...may alternative, may ballad, may pop, may classic...basta ganun...

Wednesday, November 5, 2008

50 First Times for 50 First Dates


kaninang umaga paggising ko, narinig ko ung song na 'wouldn't it be nice', ung sa beach boys... napangiti ako, kasi simula nung napanood ko 'tong movie na 50 First Dates, naging favorite ko na din yung song na yun...eto ung isang pelikula na hinding hindi ako magsasawang panoorin ng paulit-ulit...favorite ko din tlga si adam sandler, gustong gusto ko ung ma movies nya...little nicky, the longest yard, click (na isa ding memorable movie para sa kin, abangan nyo sa mga susunod na blogs ko ha..;>) at madami pang iba..hindi ko nga alam eh, pero basta napapanood ko na si adam, kinikilig talga ko..lagi kasing maganda ung character nya sa movies nya eh..nafa-fall ako sa kanya..hehe..may matching buntung hininga pa nga eh, na parang...'awww...san b ko mkakahanap ng kagaya nya?' haaayyyy...ung ex ko ung ksama kong nanood nito eh, kaya malamang isa pa ung dahilan kung bkti may certain something tong movie na to...at eto tlga ung nkakatawa jan eh...di ko na maalala kung ilang bese ko na din to napanood..sa moviehouse, once lng, pero di ako nkuntento, bumili tlga ko ng dvd...cguro ilang mgkakasunod na sbado ko tong pinanood...tapos may mga araw nun na nka-leave ako sa work, pinanood ko din un...minsan naman sunday morning ung, suppossedly bagong movie in dvd ang papanoorin nmin, pero ang isinalang ko eung 50 first dates syempre...sabi nga ng kapatid ko, 'try mong bumili ng bagong dvd nyan ha, kasi mejo gasgas n eh, ska ano bang balak mong gawin? panoorin yan ng 50 times?'...hmmmm... why not dba? so un nga yata ng goal ko, 50 times ko tong panoorin...so far, cguro nasa kalahati pa lng ako, actually, wala pa, mga 21 or 22 times pa lng...hehe...nkakatawa din kasi khit nga mejo oa na sa dami ng beses na napanood ko to eh, teary-eyed pa din ako dun sa part makatabi c adam & drew sa bed, tpos patulog na c drew, tinanong sya ni adam..'lucy, will you marry me?'..tas sabi ni drew 'of course', tas sagot nya 'good don't forget about me', tpos sagot uli si drew 'never'...awww...basta madaming sweet scenes dun eh, lalo na pag nagkikiss clang dalawa, tas sasabihin ni drew 'nothing beats the first kiss'..pero 23rd tym na nilang 'first kiss' un...ang sweet dba...basta sa bakasyon ko, papanoorin kko uli un... ;>

flattering


likas talaga sa ting mga pinoy (at pinay) ang pagiging masayahin...ngayon nga n kahit merong global crisis, dedma lang ang mga pinoy, "kiber! gagastos ako, mag pa-Pasko eh"...di ba nga kasama ang mga pinoy sa top 5 ng asian countries n confident pa din despite of the global recession...anyway, ang pino-point out ko lng eh, sa kbila ng kung anuman, we Pinoys remain happy... happy people nga daw sabi ng officemate ko...

meron kasing isang instance n nangyari sa ofis nmin, one time, meron kming mineet na isang malaysian & isang chinese supplier, may inintroduce sila na bagong products, tapos bigla nya kming tinanong nung isa pang Pinay co-worker ko, "are you two, Filipinos?"..sasagot sana ko "actually, we are Filipinas..."nyahaha..so sabi nmin "yeah.." (naks..pwede namang yes..)..tapos sbi nya, "You know, i hate you guys...", parang dumilim ung mukha ko eh...sa loob-loob ko.."we'll we don't like you either.."...hahaha..buti na lng, dinugtungan nya agad..."you are such beautiful people, you know, the looks, the personality...everything..and tell me, how come all the Filipinos I've come across to, know how to sing?..i just hate it...hahaha"...see? ganyan kabilib ang ibang lahi sa atin...(salamat sa Msgic Sing ;))...kaya tyong mga Pinoy...take pride...aba, sobrang flattering kya nun...saka bukod naman sa personality naten, gusto din ng mga foreigners ung drive naten sa pagtatrabaho, bilib cla sa abilidad at sipag naten...saka eto pa pla, natutwa akong marinig na 'the Philippines' ang tawag sa Pinas, unlike other countrie, pag ina-address cla, walang 'the'...parang may ibang impact lang ksi eh, bigatin...

Pero, minsan, hindi maiiwasan na meron ding panget na issues sa mga pinoy, Pinay to be exact...khit na nga d2 sa bansang pinagtatarabahuhan ko eh... sna lang unti unti ng mabura ung panget na image na un...kasi syang naman ung paghihirap mga karamihan para mabigyan ng magandang impression ang Pinas di ba...so un..

sna lahat tyo, nasa Pinas man o abroad, maging proud pa din tyo sa pagiging Pinoy (at Pinay..hehe, kulet) ;>

Tuesday, November 4, 2008

catherine vs. scarlett




pasensya na sa blog na to ha, i can't help it eh..sabihin nyo nang nuno ako ng ka-jologan..pero mahilig ako sa teleserye...kahit nga nasa ibang luapalop na ko, i make it apoint to have my share of Pinoy teleserye...simula ng umalis ako sa Pinas, ung unang napanood ko dito eh ung 'Lobo', sinubaybayan ko tlga un ha, khit lunch break sa office, nag you-youtube tlga ko, eh kasi naman, bonding moment din nmin ng nanay ko ung pagkwentuhan nmin yang mga teleserye na yan...tpos, next ko pinanood eh ung 'My Girl', nakakaaliw sya, cute lang...pero ang latest kasi na kinababaliwan ko, together with my Harotty gay friends, eh etong 'Iisa pa Lamang'....sobrang naaliw kasi kme sa batuhan ng linya ni Catherine (Claudine) & Angelica (Scarlett), isama na naten ang fave kong kontrabida na si Isadora (Cherry Pie), pati na din si Miguel..eto ung ilan sa mga linya na favorite ko...

Scarlet: you're just a gold digger in red..Damn you!
Catherine: same to you anak! same to you...

Scarlett: magswi-swimming ka nlang, nka-diamonds ka pa!
Catherine: syempre diamonds are forever.. like me...

Scarlet: at ako pa tlga ang pinalayas mo, kahit san tyo makarating, ako pa dina ng tunay na dela Rhea!
Catherine: bakit? sino ba ang may sabing mixed breed ka?

Scarlet: next level na, agawan ng mapapangasawa...

Isadora: Ang ganda ganda mo ngayon Catherine, ang sarap mong patayin...

Catherine: May date kasi kmi ni Miguel..so how do i look?
Scarlett: you look like a dirty whore who's just about to do her job..
Catherine: coming from you scarlet..that's a compliment...

Isadora: pa sweet sweet k pa dyan, ganid ka din naman pla...

Scarlett: that's the murderess in yellow...

Scarlett:Look who’s here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black.‘Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!

Catherine:Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?

Scarlett: Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang ‘to, hindi ‘to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa ‘yo!
Catherine: Sige! Maglaro tayo, agawan ng yaman! Pero kung ako sa’yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?
Scarlett: siguradong inggit na inggit skin si Catherine...green with envy...

Scarlett: karma's a bitch!

Miguel: na-out karma ka na, na-out bitch ka pa!

Scarlett: may the best bitch win!

Catherine: Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?

Isadora: Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!

Catheriner: Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.

Scarlett:Anak ako. Dugo’t laman.

Catherine: Anak ka lang. Asawa nya ‘ko. Lahat ng pag-aari ni Martin, pagaari ko na ngayon..

Scarlett: you’re just a gold digger in red!

Catherine: Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa’yo!

Isadora: Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha.

Sacrlett: Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!

Miguel: Kumain ka na. Gutom lang yan!

Isadora: Oh aren’t you excited to see me?

Scarlett: Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?

Isadora: Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I’m so witty.

Scarlett: Ano ba talagang pakay mo? I’m sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?
Isadora:Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.

Isadora: Ba’t mo ko sinampal, biyenan mo ko!
Scarlett: Isadora“Di lahat ng biyenan, pinagbibigyan, Di lahat ng beyanan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!

Scarlett: Tapos ka na sa gold digger in red. Tapos ka na rin sa merry widow in black. Ngayon, baka pwede ka ng dirty mistress in dirty brown.

Scarlett: Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma’s a bitch, and so are we…

Aura: Itong duming ito balang araw ang syang makakapuwing puwing sa iyo…
Isadora:E di mag sheshades ako.
Isadora: HIndi ang cheapanggang kumunoy na yun ang tatapos sa kin!...


Scarlet: Walang hiya ka!
Katherine: Mas walang hiya ka!
Scarlet: Home-wrecker!
Katherine: Adulteress!
Scarlet: black widow!
Katherine: Slut!
Scarlet: Social Climber!
Katherine: Desperate housewife from hell!

o dba ang dami, nde ko nman sinabing magaganda ung lines, nkakaaliw siguro, kasi syempre pang teleserye lang yan,,, san ka naman nkakita sa totoong buhay ng nag aaway na pero ambilis umisip ng pangsagot..at nakuha pang i-incorporate ang kulay ng damit na suot ng kasagutan nya dba...hahah...meron pa ngang lines na pati canal water at blood infected with HIV virus eh nasali...hahaha...nakakatawa... ;>






Monday, November 3, 2008

contradicting...


Nung isang araw, meron akong kabolahan sa chat...o dba..so, nag kkwentuhan kme, tpos, shinare ko s kanya ung mga pananaw ni Mr. Bob Ong...tpos, meron din syang finorward skin.. "kung nagmamahal ka ng dalawa, piliin mo ung pangalawa, kasi hindi ka naman hahanap ng isa pa, kung mahal mo ung una"....Ouch!....parang natigilan ako nun ah, napa-isip, napabuntung hininga, tapos parang nangilid bigla ung luha sa mata ko...nkakakaiyak un ah! biglang sabi ko, 'ganun? aray ko..ayokong maniwala jan, gusto ko pa din ung sinabi ni Bob Ong, "lahat naman sumeseryoso pag nagmamahal, yung iba lang hindi malabanan ang temptasyon..."' tpos sabi nya 'e si Bob Ong din nagsabi nun eh'...nagulat ako, sbi ko naman 'ganun, e ba't magkakontra?', tapos, sabi naman ni chatmate 'nde naman eh, tama naman pareho', tpos, ako naman naninindigan pa din...'Contradicting!'...hehe, tapos, natawa na lang sya, lahat na lang daw kasi pinapalalim ko, mapag-issue ba...e actually, tama naman nga pareho eh, di ko lang mtanggap ung isa, kasi tinamaan ako, naisip ko, ganun...'nde tlga ako minahal ng mga exes ko, ang sakit ha, whereas, ung gusto kong paniwalaan, parang sinasabi dun na, no matter how panget our breakup us, minahal pa din nila ko...un un eh...so in short, mas pabor lang ako dun sa kung saan mas kaya kong tanggapin, ung mas okay para sa kin, ung hindi ako masyado kawawa...hehe.. ;>

underneath the mistletoe


haay..november na, kakatapos lng ng undas..so ano na nga ang next? syempre CHRISTMAS====> the most wonderful time of the year...hehehe..ewan ko ba kung bakit nga pag panahon ng Pasko, may kakaibang something talaga na nangyayari sa maga tao, despite of all the gastos, Christmas rush, parties and everything, feeling ko, ambabait ng mga tao pag mag pa-Pasko...ako n lng eh, nababawasan ang kamalditahan ko pag ganitong panahon...naaalala ko pag kagaling nmin sa simbahan, pagkatapos ng Misa de Gallo, lahat ng makasalubong ko sa daan, gini-greet ko ng 'Merry Christmas po!", with matching big smile, and take note, may 'po' pa ako ha..hehe...tapos, during the Noche buena, parang kakaiba din ung feeling, parang mas close kmi, although most of the time eh sabay sabay nmn kmi kumakain ng nanay saka ng sisters ko, parang iba eh...basta iba...


Pero sa kabila ng lahat ng magandang feeling na idinudulot sa 'kin ng Christmas Season, merong maliit na part (actually, malaki pla) ng puso ko na kinukurot...ouch!!! eto ung part na giniginaw pag ganitong panahon, tapos bigla kong maririnig ung 'Christmas won't be the same without you' na song...hahahaha...matinding kakornihan, pero naapektuhan tlga ko eh...ayun, mabalik tyo dun sa part ng puso ko, eto din ung dahilan kung bkit mukhang magkakaroon ako ng 3-consecutive annual membership sa S.M.C.===> Samahan ng Malalamig ang Christmas...hehe


Minsan ntatawa ako sa sarili ko, kc parang kailangan ko talagang ihabol sa Pasko ung pagbo-boyfriend..kasi ung una, Decemeber 17 ung anniv. namin, ung 2nd (ayoko na sna i-count..pero anyways...) December 21 naman, so hinde ako magatataka kung ung susunod ko eh, Decemeber 25 na mismo..haha...meron pa naman akong 1 month & 3 weeks para humabol...ewan ko ba, nakakalungkot lang kasi isipin na wala akong extrang gift na matatanggap, na ultimo ung pambalot at gift card e itatago ko pa...tapos, walang ipagbabalot ng pagkain ang nanay ko (naalala ko ung sa 1st bf ko, ning ngbreak kmi, sabi ng nanay ko 'mokong na un, pinapauwian ko pa naman sya ng embutido ska leche flan...hmp!'), hehe, astig dba..., walang pupunta sa bahay nmin para dun mag Christmas...wala akong ipapakilala sa mga tito, tita, cousins at kung kani-knino pa...,wala akong iki-kiss underneath the mistletoe...awww...ewan ko ba...at higit sa lahat, wala man lang magtetext sa kin ng saktong 12mn ng 'Merry Christmas honey, halabyu..mwah mwah'..heheh


Actually, kahit naman wala eh, magiging happy pa din ako...ska siguro ung lamig lng ng panahon ang dahilan kung bakit may extra loneliness akong napi-feel pag single kung Christmas..ska ung mga panaka-nakang pambwibwiset ng mga barkada ko na, 'malungkot na naman ang Pasko ko'..Siguro isipin ko na lng na Christmas is a time for family, a time for sharing & giving, a time to be nice and not a time for self-pity...hehehe...wish me luck..kung di man ako makahabol sa December..sa Valentine's day na lng, mas sweet un,..heheheh

anyways, Merry Christmas...sana maging happy tayong lahat kahit sa tingin naten, merong kulang...whatever ;>